Warning: World of Warcraft content. Wag nang piliting intindihin pag di kaya :)
Sa buong paglalaro ko ng mga online games, ang World of Warcraft o WoW na para sa akin ang pinaka-the best na online game na nalaro ko. bukod sa maganda ang graphics, maganda ang gameplay, maganda ang ambience, at hindi katulad ng ibang online game, hindi ka lang palu ng palo ng halimaw para lumakas.
At dahil isa itong Massive multiplayer online (MMO) game, marami kang kasabay na players na naglalaro sa ibat-ibang sulok ng mundo na kakakalaro mo at nakakausap ng actual, which is ang pinakamagandang aspect ng lahat ng MMO games.... or is it???
Dito na ako magrereklamo. Kung gaanong napakaganda ng game eh sya namang kasing-tatanga naman nitong mga nagiging kalaro mo (maliban kila Chilleon, Zekhaev, Daggeron, Ryo, Lapisboy at the rest na mga player names ng mga tropa ko, iisa kami ng isip). Akalain mong i-iinvite ka sa isang raidgroup, papasok kyo sa realm, tapos may nagleave lang na isang "vital" daw na player tapos tapos na ang raid. wala k na ngang nakuhang gamit, nasayang pa ung oras mo na tumagal ng mga kalahating araw na nauwi sa wala.
Isa pa ay ung mga idiotang mga Ruso. Naglaro pa sila ng WoW kung hindi naman sila marunong mag-english. May i-aanounce sila basahin nyo... nakasulat sa Russian. May kailangan sila, i-ppm ka... nakasulat sa Russian, Buisit. Marami tuloy sa kanila mga ninja (jargon na ang ibig sabihin ay mga players na kumukuha ng items na di nila kelangan) kse di nila naiintindihan ung mga sinasabi sa kanila dahil english. Tanga talaga.
At eto pa, ung ibang mga players, lalu na ung mga importante sa group eh nakuha lang ung gustong gamit eh magleleave na. Nasiyahan ka nga, panu nman mga kagrupo mo? Anu yun? Nagsayang lang sila ng oras para sa yo? Nakakainis talaga...
Dahil una ko itong blog at naimbento nman talaga ang blog para magreklamo at love confessions, ayan kaya ganyan ang una kong blog. ^_^
Eto na to!!!
17 years ago
2 comments:
hindi ako makarelate... nakakanosebleed din pala yang warcraft na yan! akalain mo??!!
Hahah! shempre naman, 2nd social life namin yan xD gehhhha
Post a Comment