Sa buhay ko, eto ang grading system ng college life:
60% - Prespiration
25% - Alak at yosi (pati na ibang bisyo)
15% - Inspirasyon
_____________________
100% college student!!!
Prespiration - aral, tiyaga at diskarte. Dapat walang mawala dun. Baket? Basta naranasan ku na ung mawala isa sa mga yan at bumabagsak ako sa mga major quizzes. Sa totoong buhay, at a student standpoint, kahit kelan hindi matatalo ng may mga morals ung madidiskarte, kasi sa huli, mga numero lng nman ng mga grades mo ang tatakda sa kapalaran mo. Kaya para ma-maximize ang 60%, haluan ng diskarte at wag lang puro aral at tiyaga, nakakatanga un at wala kang matututunan sa tunay na kalakaran ng mundo.
Alak at yosi - Syempreh, pwede bang mawala yon! Sila ang tunay nating mga kaibigan sa panahon ng delubyo at pagsubok. pag wala nito, sinasabi ko sa inyo, hindi worthwile ang college life nyo. Baket? Una,ang mga ito ang tulay sa mga bagong kaibigan at bagong bisyo.... anyways, sila din ang marking spot ng "freedom of college life", na hindi katulad nung highschool na may curfew ng hanggang alas - 6 lang ng gabi at kapag lumampas ka dun, sangatutak na sermon ang aabutan mo. Ngaung college life, eto na ang eksena:
tropa1: ay p*ta, alas onse na ng gabi, uwi nako...
tropa2: t*ngina, uuwi ka na? aga pa gagu!
tropa3: gagu college na tyo wlang uwi uwi...oh, shot mo na pre!!!
tropa1: cge na nga...
* 1 o clock na ng umaga *
tropa1: tol di nako makauwi dito nako matutulog...
tropa2: cge lang... walang baklaan ha...
Yan ang college lyf, wala nang uwian!!!
Syempre, last and the least, inspiration. Bakit pinakamaliit? kasi un ung portion na pwedeng magsave or magbagsak sa iyo. Parang assignments, pwedeng makatulong, pwedeng makasama. Sa akin, medyo naging significant sa akin kasi nagkaroon ako ng 2 inspirasyon. Ung isa ka-close ko ung isa di gaano. Ung ka-close ko malabo kong maging girlfried pero ung isa pwede... as you can see, sobrang contrasting kaya magulo, At sa college ko na ang ratio ng magagandang babae sa hindi magaganda ay 1:10, nagkataon pang ung dalawang chic na halos ituring na artista sa campus ang mga naging ka-close ko. Pag kasama ko ung either sa kanila, nagkakaroon ako ng sense na may purpose ang life ko, na hindi lang ako isang bummer na basura lang sa mundo, na may kailangan akong gawin na makakabuti sa lahat ng tao. Sa ngayon happy ako na friends kami, pro hindi ko inaalis ung fact na baka maisip kong tawirin ung wall of friendship na walang ibang dalang ibang armas kundi ang feelings ko. Hehe :)
may part 2 pa, kung nabitin, maghintay wag umarte ok? LAB PEACE EN RAK EN ROL!!!
Eto na to!!!
17 years ago